Huling Paalam
Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.
Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.
Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,
Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!
Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.
Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.
Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.
Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.
Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.
Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.
Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.
Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.
Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.
Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.
Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.
Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.
Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.
Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,
Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!
Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.
Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.
Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.
Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.
Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.
Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.
Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.
Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.
Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.
Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.
Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.
Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.
---->Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya (Rizal) barilin.
Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.
Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan
Our Mother Tongue
----->A poem originally in Tagalog written by Rizal when he was only eight years old |
Kundiman
Truly hushed today
Are my tongue and heart
Harm is discerned by love
And joy flies away,
'Cause the Country was
Vanquished and did yield
Through the negligence
Of the one who led.
But the sun will return to dawn;
In spite of everything
Subdued people
Will be liberated;
The Filipino name
Will return perhaps
And again become
In vogue in the world.
We shall shed
Blood and it shall flood
Only to emancipate
The native land;
While the designated time
Does not come,
Love will rest
And anxiety will sleep.
A Poem That Has No Title
To my Creator I sing Who did soothe me in my great loss; To the Merciful and Kind Who in my troubles gave me repose. Thou with that pow'r of thine Said: Live! And with life myself I found; And shelter gave me thou And a soul impelled to the good Like a compass whose point to the North is bound. Thou did make me descend From honorable home and respectable stock, And a homeland thou gavest me Without limit, fair and rich Though fortune and prudence it does lack. | ||
Sa kabataang Pilipino
------>Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timnpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala. |
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.
Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.
Education Gives Luster to Motherland
Wise education, vital breath Inspires an enchanting virtue; She puts the Country in the lofty seat Of endless glory, of dazzling glow, And just as the gentle aura's puff Do brighten the perfumed flower's hue: So education with a wise, guiding hand, A benefactress, exalts the human band. Man's placid repose and earthly life To education he dedicates Because of her, art and science are born Man; and as from the high mount above The pure rivulet flows, undulates, So education beyond measure Gives the Country tranquility secure. Where wise education raises a throne Sprightly youth are invigorated, Who with firm stand error they subdue And with noble ideas are exalted; It breaks immortality's neck, Contemptible crime before it is halted: It humbles barbarous nations And it makes of savages champions. And like the spring that nourishes The plants, the bushes of the meads, She goes on spilling her placid wealth, And with kind eagerness she constantly feeds, The river banks through which she slips, And to beautiful nature all she concedes, So whoever procures education wise Until the height of honor may rise. From her lips the waters crystalline Gush forth without end, of divine virtue, And prudent doctrines of her faith The forces weak of evil subdue, That break apart like the whitish waves That lash upon the motionless shoreline: And to climb the heavenly ways the people Do learn with her noble example. In the wretched human beings' breast The living flame of good she lights The hands of criminal fierce she ties, And fill the faithful hearts with delights, Which seeks her secrets beneficent And in the love for the good her breast she incites, And it's th' education noble and pure Of human life the balsam sure. And like a rock that rises with pride In the middle of the turbulent waves When hurricane and fierce Notus roar She disregards their fury and raves, That weary of the horror great So frightened calmly off they stave; Such is one by wise education steered He holds the Country's reins unconquered. His achievements on sapphires are engraved; The Country pays him a thousand honors; For in the noble breasts of her sons Virtue transplanted luxuriant flow'rs; And in the love of good e'er disposed Will see the lords and governors The noble people with loyal venture Christian education always procure. And like the golden sun of the morn Whose rays resplendent shedding gold, And like fair aurora of gold and red She overspreads her colors bold; Such true education proudly gives The pleasure of virtue to young and old And she enlightens out Motherland dear As she offers endless glow and luster. | ||
To Virgin Mary
Mary, sweet peace, solace dear Of pained mortal ! You're the fount Whence emanates the stream of succor, That without cease our soil fructifies. From thy throne, from heaven high, Kindly hear my sorrowful cry! And may thy shining veil protect My voice that rises with rapid flight. Thou art my Mother, Mary, pure; Thou'll be the fortress of my life; Thou'll be my guide on this angry sea. If ferociously vice pursues me, If in my pains death harasses me, Help me, and drive away my woes! | ||
Sa Aking mga Kabata
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. | ||
----->Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento